Nanindigan ang China na hindi nito kikilalanin ang July 12, 2016 ruling ng Permanent Court of Arbitration na pumapabor sa territorial claims ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Tinawag ni Chinese Foreign Ministry Spokesman Wang Wenbin ang nasabing pasya o award na iligal at hindi magtatagumpay.
Nagbanta rin si Wang sa sinumang magtatangkang tumalima o ipatupad ang ruling ng International Arbitral Court na tiyak na may kaakibat na tugon dito ang Tsina.
Nito lamang Martes ay inihayag ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo sa ika-anim na anibersaryo ng ruling na final at indisputable na ang South China Sea Arbitration.