Posibleng i-anunsyo na ng Liberal Party sa susunod na linggo ang magiging running mate ni administration standard bearer Mar Roxas maging ang kanilang senatorial line up sa 2016 elections.
Ayon kay Caloocan Representative Edgar Erice, Vice Chairman for Political Affairs ng LP, i-aanunsyo ang magiging running mate ni Roxas at mga senatorial candidate sa kanilang National Executive Council at National Directorate Meeting sa September 28 sa Club Filipino sa San Juan.
Una ng tinukoy ng LP si Camarines Sur Rep. Leni Robredo na kwalipikadong maging Bise Presidente ni Roxas subalit wala pa ring desisyon ang kongresista.
Kabilang naman sa posibleng pumasok sa senatorial lineup ng Liberal ay ang mga re-electionist na sina Senators Franklin Drilon, Ralph Recto at Teofisto Guingona III; dating Senador Francis Pangilinan; TESDA Director-General Joel Villanueva, Justice Secretary Leila de Lima, MMDA Chairman Francis Tolentino at dating Energy Secretary Jericho Petilla maging si Manila Vice Mayor Isko Moreno.
By Drew Nacino