Inihayag ni 1Sambayan convenor retired supreme court senior associate Justice Antonio Carpio na si vice president Leni Robredo ang mismong mamimili ng kaniyang running mate.
Ani Carpio hindi rin ito mula sa rekomendasyon ng partido kundi personal na pagpili ni Robredo.
Mamaya o bukas nakatakdang i-anunsyo ni Robredo kung sino ang kaniyang magiging running mate sa 2022 national election.
Una rito, nanguna si dating Sen. Antonio trillanes sa isinagawang internal survey poll bilang kanilang pambato sa pagka-bise presidente.