Balik na sa operasyon ang Ninoy Aquino International Airport matapos ang emergency repair sa Runway 06-24 dulot ng nadiskubreng bitak.
Ayon kay MIAA Operations Chief Engineer Octavio Lina, muling nagbukas ang runway ng paliparan dakong 1:30 ng hapon.
Tinatayang nasa tatlumpung (30) international at domestic flights naman ang naapektuhan sa ipinatupad na emergency closure ng runway.
“Kung, siguro kung nakita niyo yung percent naming nung nakaraan, maliit na butas lang dati, talagang, immediately ginawan namin ng repair works.”
“Ganun din dito although, 30 centimeters lang ng diameter nitong nakita naming pot holes eh hindi tayo pupwedeng mag walang bahala at ipaghihintay pa natin yung closure for the maintenance.”
“Kaya kahit na maliit ito na dalawang 30 centimeters na diameter eh talagang we decided to make the necessary repair works.”
Inamin ni Lina na matanda na ang paliparan kaya’t nagkakaroon ng mga ganitong insidente.
“Ito eh talagang naka-ilang taon naman talaga yung runway natin from the time, last time nagkaroon tayo ng runway overlay.”
“So, ito na rin talaga yung lumalabas na…partikular yung talagang paggamit narin ng runway naman talaga natin most especially, yung talagang paggamit ng 347 na aircraft na compared sa dati nating mga ginagamit na malalaking aircraft eh hindi ganun kabigat.”
“So, andyan na lahat ng factors na pwede nating ma-attribute kung bakit nagkakaganito ang runway natin.”
By Ralph Obina | With Report from Raoul Esperas