Binuksan na ang Runway-06 ng Ninoy Aquino International Airport matapos itong isara pasado ala-1:00 tanghali kahapon dahil sa emergency pothole repair o natuklap na aspalto.
Ayon kay Manila International Airport Authority General Manager Ed Monreal, tumagal ng mahigit tatlong oras ang emergency repair at bandang alas-3:50 ng hapon kahapon ay nabuksan na ito para sa commercial operation.
Binigyang-diin ni Monreal na mahalagang isara ang naturang runway para na rin sa kaligtasan ng mga pasahero ng mga international airlines.
Tatlumpu’t apat na international flights ang naapektuhan ng runway repair kung saan karamihan sa mga ito ay na-divert sa Clark International Airport sa Pampanga.
By: Meann Tanbio / Raoul Esperas