Muling pinalawig ng (MIAA) ang runway closure sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) hanggang mamayang alas dose ng tanghali.
Sa pinakahuling abiso ng MIAA, sinabi nito na kinakailangan ang nasabing extension closure upang bigyang daan ang demobalisasyon sa mga kagamitang ginamit bilang pang-alis sa sumadsad na Xiamen Airlines plane.
Dagdag ng MIAA, kasalukuyan na ring dinadala ang nasabing aircraft sa Balagbag ramp matapos matanggal sa lugar na pinangyarihan ng insidente.
Humingi naman ng paumanhin si MIAA General Manager Ed Monreal sa mga apektadong pasahero.
Samantala, maaaring i-tsek ng mga pasahero ang estado ng kanilang biyahe sa pamamagitan ng pagtawag sa NAIA flight information:
Terminal 1 (8771109 loc 765 and 2852)
Terminal 2 (8771109 loc 2882 and 2880)
Terminal 4 (8771109 loc 4226)
Terminal 3 (8777888 loc 8144 and 8146)