Naapektuhan ang ilang flights ng mga pasahero sa ginagawang maintenance sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA) pansamantalang isinara ang International Runway 06-24 ng NAIA mula 1:30 a.m. hanggang 6:20 a.m. kanina para sa pagsasaayos ng lubak sa semento.
Habang, nanatiling bukas naman ang Domestic Runway 13-31
Samantala, naayos naman na ang pag-aayos sa International Runway at bumalik na sa normal ang operasyon bandang alas-7 ng umaga ngayon ding araw.