Interasado si Senate Committee on Banks Chairman Chiz Escudero na imbestigahan ang mga rural banks kung saan sinabing nagbukas ng maraming account si Commission on Elections (COMELEC) Chairman Andres Bautista.
Ayon kay Escudero, maaaring nagagamit ng public officials sa kalokohan ang mga rural banks sa bansa kung saan dito nila itinatago ang mga hindi maipaliwanag na yaman.
Ani Escudero, dapat tandaan ng mga bangko na meron silang obligasyong magreport sa AMLC o Anti-Money Laundering Council kung may mga kaduda-dudang bank accounts at bank deposits.
Bautista dapat munang lumiban sa tungkulin ayon kay Suarez
Iginiit ni House Minority Floor Leader Danilo Suarez na dapat ay pansamatalang lumiban muna sa tungkulin si COMELEC Chairman Andy Bautista.
Ayon kay Suarez, ito ay dahil posibleng maimpluwensiya ni Bautista bilang COMELEC Chairman ang mga isasagawang imbestigasyon ng DOJ o Department of Justice at mababang kapulungan ng Kongreso
Ani Suarez, nakatakda silang maghain ng resolusyon sa Kongreso para simulan ang imbestigasyon sa alegasyong ng asawa ni Bautista sa umano’y isang bilyong pisong hindi maipaliwanag na yaman nito.
Dagdag pa ni Suarez, kanilang siniseryoso ang alegasyon laban kay Bautista lalo’t hinggil ito sa ill-gotten wealth.