Posibleng maabot na rin ng ibang rehiyon anumang araw ang rurok ng COVID-19 cases kagaya nang na-obserbahang pattern sa Metro Manila noong Delta surge.
Ayon kay Health Spokesperson at Undersecretary Maria Rosario Vergeire, matatandaan noong naranasan ang Delta surge ay nauna ang NCR At makalipas ang dalawang linggo ay sumunod ang ibang rehiyon.
Noon namang bumaba ang cases sa Metro Manila matapos ang dalawa hanggang tatlong linggo ay natapos din sa ibang rehiyon.
Kung magpapatuloy anya ang pattern ay maaaring maitala rin sa ibang rehiyon ang kani-kanilang COVID-19 case peak na susundan ng pagbaba ng bilang ng nagkakasakit.
Ipinunto naman ni Vergeire na mataas ang vaccination rate sa Metro Manila kaya’t dapat makasabay ang ibang rehiyon upang ma-kontrol ang pandemya.