Posibleng nagsisimula nang maabot ng Metro Manila ang peak o rurok ng COVID-19 cases.
Ito ang inihayag ni OCTA Research Fellow, Dr. Guido David matapos muling makapagtala ang Department Of Health ng panibagong record-high na 34,021 na dagdag kaso ng COVID-19, kahapon.
Ayon kay David, ang daily growth rate ng moving average ay 5% mababa mula sa 11% sa nakalipas na araw.
Bumagal din ang reproduction number sa 3.77 hanggang nitong January 10 kumpara sa 6.12 noong January 3 habang ang seven-day average sa NCR ay 16,599 mula January 7 hanggang 13.
Ipinunto naman ni David na kailangan ang tulong ng publiko upang mapababa ang bagong Covid-19 cases sa NCR.