Nagpakitang-gilas sina Russel Westbrook at Kevin Durant sa NBA All Star Game.
Bagamat halos isa’t kalahating minuto lamang ang naging palitan nina Westbrook at Durant, sapat na iyon para maging isa sa mga pinakamagagandang tagpo ng nasabing laro.
Muling nasaksihan ang tinaguriang “give and go” ng dating teammates sa Oklahoma City Thunder kung saan nagpasahan ng bola ang dalawa hanggang sa mai-dunk iyon ni Westbrook.
By: Avee Devierte