Inatake ng cyber attack ang Russia at iba pang bansang kalapit nito.
Ayon sa ulat, isang malware na tinatawag na badrabbit ang ginamit sa pag-atake sa Russian Interfax Agency habang ilang flights naman sa Odessa Airport sa Ukraine nang naapektuhan ng cyber attack.
Maliban sa Ukraine at Russia, nabiktima rin ng kahalintulad na pag-atake ang Japan, Turkey at Bulgaria.
Nababahala naman ang mga opisyal sa Russia lalo’t napapadalas ang cyber attacks sa iba’t ibang panig ng mundo kung saan target ay mga imprastraktura at transport operation.
—-