Nagpahayag ang Russia at Japan ng tulong para mas mapalakasin pa ang anti-terrorism campaign ng Pilipinas lalo na sa mga grupong may kinalaman sa Islamic State sa Mindanao.
Ayon kay DFA o Department of Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, bukod sa pagtulong sa AFP at PNP ay buo rin ang pagsuporta ng russia sa mas pinaigting na kampanya ng gobyerno kontra iligal na droga.
Samantala, bukod sa anti-terrorism campaign na ayuda ng Japan ay patuloy rin ang commitment nito sa mga pagsasagawa ng mga infrastructure project at pagtulong sa muling pagbangon ng Marawi City.
Kasabay nito nagpasalamat si Pangulong Rodrigo Duterte kay Japanese Foreign Minister Taro Kono sa pagsuportang ipinagkakaloob nito sa bansa.
Napag-usapan din ang posibilidad na muling pagbisita ng Pangulong Duterte sa Japan at ang pagdalaw naman ni Prime Minister Shinzo Abe sa bansa sa Nobyembre.
By Rianne Briones