Pansamantalang itinigil ng Russia at Syria ang pagbomba sa lungsod ng Aleppo sa Syria.
Ito’y upang bigyang daan ang mga sibilyan na makaalis ng lungsod.
Ayon kay Russian Defense Minister Sergei Shoigu, kailangan matiyak ang seguridad sa anim na mga corridors na gagamitin sa evacuation ng mga sibilyan at mailipat ang mga sugatan.
Matatandaang walang humpay ang ginagawang airstrikes ng Russia at Syria sa Aleppo simula nang mag-collapse ang ceasefire sanhi ng pagkamatay ng maraming sibilyan.
Inakusahan naman ng Amerika ang Russia ng war crimes.
Inaasahan ng Russian Defense Chief ang pag-alis sa Aleppo ang Syrian rebels kasabay ng ceasefire.
By Mariboy Ysibido
Photo Credit: AFP