Inaasahang magsisimula na sa Oktubre ang clinical trial ng Russian made COVID-19 vaccine na Sputnik V sa Pilipinas na tatagal naman ng tatlong buwan.
Ito’y matapos lumagda ng non-disclosure agreement ang Philippine Council for Health Research and Development gayundin ang manufacturer ng Sputnik V na Gamaleya Research Institute of Epidemiology.
Sa isinagawang pulong ng house committee on people participation kay Russian Embassy Commercial Advisor Vladisav Mongush na nakatakdang isagawa ang pagbabakuna sa kanilang mga frontliner sa Setyembre 15.
Dahil dito, tiniyak ni Committee Chairman at San Jose Del Monte City Rep. Florida Robes ang pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa russia para masigurong makakukuha agad ito ng bakuna kontra COVID-19.
Sa kasalukuyan, nasa phase 3 na ang ginagawang clinical trials ng Russia para sa Sputnik V at bukas din silang magbigay ng sample nito upang ma-prodyus locally ang nasabing bakuna.