Dinedma ng Ukraine ang inilabas na ultimatum ng Russia na isuko ang Port City ng mariupol sa Russian military forces.
Sa pahayag ng Ukrainian Government, hindi nila maaring isuko ang nasabing bansa at nasabihan na nila ang hukbong sandatahan ng Russia ukol sa kanilang pinal na desisyon.
Ayon kay Deputy Prime Minister Iryna Vereshchuk ang nais ng Russia ay nagpapakita ng isang “deliberate manipulation” at “real hostage situation” kung saan, hinimok ng Russia kahapon ang Defense forces na sumuko bago mag alas-5 ng umaga.
Bukod pa dito, sinabi din ng Russian Defense Ministry na kanilang bubuksan ang humanitarian corridors upang makalikas ang mga residente ng Ukraine kung susuko ang Ukrainian forces sa Mariupol. —sa panulat ni Angelica Doctolero