Tahasang inakusahan ng Russia ang United States, na direktang kasapi sa gulo sa Ukraine.
Ito ay dahil umano sa mga U.S spies na nag-aapruba at nakikipag-ugnayan sa Ukraine military hinggil sa missile strikes sa Russia.
Ayon sa Russia’s Defense Ministry, sa pangunguna ng malapit na kaalyado ni President Vladimir Putin, inamin ni Vadym Skibitsky na gamit ang telegraph newspaper, nakikipag-usap umano ang Washington himars missile strikes sa Ukraine’s deputy head ng military intelligence.
Matatandaang una nang sinabi ni U.S President Joe Biden na gusto niyang matalo ng Ukraine ang Russia kung saan, nagsuplay ang naturang bansa ng bilyon-bilyong dolyar na armas sa Kyiv bilang karagdagang armas laban sa Russian forces.
Ayon sa Russian government, ang Biden administration ang siyang responsable sa missile attacks na target ang mga sibilyan sa mga lugar na kontrolado ng Russian-backed forces sa Eastern Ukraine.