Hindi naniniwala ang Russian government na seryoso si US President Donald Trump sa balak nitong isulong ang panibagong kasunduan kaugnay sa nuclear arms disarmament sa pagitan ng Estados Unidos, Russia at China.
Ginawa ng Russia ang pahayag matapos na atasan ni trump ang kanyang administrasyon na bumuo ng panibagong nuclear pact o new start treaty.
Sinabi ng Russian diplomat na si Dmitry Peskov, dapat na pag-isipan munang mabuti ni Trump ang naturang kautusan dahil sa posibleng maapektuhan nito ng malaki ang ekonomiya ng tatlong bansa.