Inihayag ng Russia na dapat gawing pangunahing prayoridad ng mundo ang pag-iwas sa nuclear power clash dahil maaari umano itong magresulta sa ‘catastrophic consequences.’
Nanawagan naman ang Moscow sa iba pang nuclear powers na abandunahin ang mapapanganib na pagtatangka na lumabag sa mahahalagang interes ng isa’t-isa.
Inihayag ito ng foreign ministry sa gitna ng tumataas na pangamba sa paggamit ng nuclear bombs sa salungatan sa Ukraine na umabot na sa ika-9 na buwan nito.
Nakasaad din sa pahayag na ang nuclear doctrine ng Moscow ay pinapayagan lamang ang Kremlin na gumamit ng mga armas sa oras na magkaroon ng nuclear aggression o sakaling lumala ang panganib sa kanilang estado.
Mababatid na ilang ulit nang iminungkahi ng Russia na ang Ukrainian territories na inaangkin ay protektado ng nuclear doctrine nito.
Nanawagan naman sa iba pang nuclear power sa mundo – ang Amerika, Britanya, France at China – na magtulungan para malutas ang naturang ‘priority task. —sa panulat ni Hannah Oledan