Nananatiling pursigido ang Russia na tulungan ang Pilipinas para palakasin ang defense capability gayundin ang puwersa nito.
Ayon kay Russian ambassador to the Philippines Igor Khovaev, gumugulong na ang negosasyon sa pagitan ng dalawang (2) bansa.
Aniya, nakahanda silang tumulong sa pamamagitan ng pagsusuplay ng nga submarino hanggang sa pagtatayo ng sariling pagawaan ng baril na nakasalig sa teknolohiya ng Russia.
Sinabi ni Khovaev na tulad ito ng ginawa nila sa iba pang mga bansang kanilang tinulungan tulad ng Vietnam.
Iginiit naman ni Khovaev na walang kapalit ang ibinibigay nilang tulong dahil posible rin aniyang maglalagay ito sa kanilang soberenya sa balag ng alanganin.
Bukod sa defense capabilities, iniaalok din ng Russia sa Pilipinas ang pagsasagawa ng oil exploration hindi lang dito sa bansa kung hindi maging sa Soviet union na makatutulong para mapababa ang presyo ng kuryente.