Humihingi na ng wish list ang Russia sa Pilipinas kung anong klase tulong ang inaasahan at puwede nilang ipagkaloob sa Pilipinas.
Sa isang panayam kay Russian Ambassador to the Philippines Igor Khovaev, bukas ang Russia sa anumang klase ng kooperasyon na puwedeng mapagkasunduan ng dalawang bansa.
Ayon sa Ambassador ng Russia, suportado nila ang giyera ng Pangulong Rodrigo Duterte laban sa illegal drugs at kriminalidad.
Hindi anya katulad ng ibang mga bansa, hindi nakikialam ang Russia sa panloob na aktibidad ng ibang bansa tulad ng Pilipinas.
Sa ngayon aniya ay pinaghahandaan na nila ang pagbisita ng Pangulong Duterte sa Russia.
By Len Aguirre