Idineklara ng European Parliament ang Russia bilang “State Sponsor of Terrorism.”
Kasunod ito ng mga ikinasang pag-atake ng Russian Federation laban sa mga sibilyan sa Ukraine at nagresulta sa pagkasira ng mga imprastraktura at iba pang serious violations sa human rights at International Humanitarian Law.
Mababatid na matagal nang panawagan ng Kyiv sa international community na ideklara ang Russia bilang terrorist state dahil sa ginagawa nitong pananakop sa ukraine.
Pinuri naman ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky ang nasabing desisyon at hinimok ang United States at iba pang mga bansa na gawin din ang nasabing hakbang.
Samantala, ikinagalit naman ng Moscow ang desisyon ng European Parliament, kung saan tinawag ni Russian Foreign Ministry Spokeswoman Maria Zakharova ang parlyamento bilang ‘Sponsor of Idiocy.’ —sa panulat ni Hannah Oledan