Ipinagmalaki ng Russia ang kanilang tagumpay sa paglikha ng bakuna kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito’y matapos magkaroon ng magandang resulta ang pinagdaanang clinical trials ng grupo ng mga volunteer.
Ayon sa Russian Defense Ministry, nasa 18 katao ang naging bahagi ng nasabing pag-aaral at lumabas ang mga ito ng paggamutan ng walang anumang komplikasyon.
Dahil dito, kumpiyansa ang Russia na ligtas ang naturang bakuna dahil sa naging epekto nito sa mga pasyente.
Posibleng sa katapusan ng Hulyo matatapos ang clinical trials ng nasabing bakuna.