Magpapadala ng mga medical equipment at supplies ang Russia sa Estados Unidos bilang ayuda sa paglaban nito sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Dmitry Peskov, tigapagsalita ni Russian Presidente Vladimir Putin, ito mismo ang iminungkahi ng kanilang pangulo sa pakikipag-usap sa telepono kay US President Donald Trump.
Dagdag ni Peskov, malugod din aniyang tinanggap ni Trump ang alok na huminatarian aid ni Putin.
Aniya, isang Russian plane na may kargang mga medical at protective equipment nakatakdang umalis patungong Estados Unidos.