Magre-recruit na ang Russian government ng mga Syrian at iba pang dayuhang mandirigma na tutulong sa kanilang pag-atake laban sa Ukraine.
Matatandaang taong 2015 nang pumasok ang Moscow sa panig ng digmaang sibil ng Syria kung saan, umaasa ang Russia na makakatulong ang mga Syrian na kanilang makukuha ang Kyiv sa Ukraine.
Nabatid na may ilang military forces na ang umanib sa Russia para labanan ang Ukraine.
Samantala, inihayag naman ni Ukrainian Foreign Minister Dmytro Kuleba na nasa 20,000 foreign volunteers ang nagpunta sa kanilang bansa para umanib sa Kyiv Forces at labanan ang Russia.
Sa ngayon, patuloy parin ang ginagawang pananakop ng Russia sa Ukraine kung saan, halos 1.5-M katao na ang sapilitang lumikas dahil sa sagupaan ng dalawang bansa. —sa panulat ni Angelica Doctolero