Nangako ang Russian Government na makikipagtulungan sa Pilipinas para sa counter-terrorism, paglaban sa illegal na droga at sa pagsusulong ng mga imprastruktura sa bansa.
Sinabi ni DTI Secretary Ramon Lopez na magiging major potential projects ng Russia sa bansa ay enerhiya at imprastruktura para sa pagpapaganda ng railway systems na palalawakin hanggang sa mga lalawigan o long range railways, pati na ang pagpapaganda sa mga pantalan sa bansa.
Asahan din aniya ang pagdagsa ng mga turistang Ruso sa bansa dahil bahagi ito ng mga napag-usapan sa bilateral meeting nina Pangulong Rodrigo Duterte at Russian President Vladimir Putin.
Iginiit ni Lopez na maganda ang pangakong oportunidad ng Russia para sa Pilipinas kaya’t aasahan na isusulong ito ng Pangulo para magkaroon ng katuparan sa pamamagitan ng gagawing pagbisita sa Russia sa susunod na mga araw.
By: Meann Tanbio / Aileen Taliping