Nagbabala ang Russia sa mga bansang nagpapadala ng ibat-ibang klase ng armas sa Ukraine.
Ayon kay Russian Deputy Foreign Minister Sergey Ryabkov, idadamay sa kanilang target ang mga foreign country na kakampi o magbibigay ng military equipment sa bansang kanilang sinasakop.
Sa ngayon, nangangamba ang ibat-ibang bansa, dahil posibleng mas lumala pa ang giyera kapag naganap ang pambobomba at pagpapadala ng armas ng Foreign forces sa Ukraine. —sa panulat ni Angelica Doctolero