Nagbabala ang pamahalan ng Russia na iba-block nito ang Twiiter sa loob ng isang buwan kung hindi nito tatanggalin ang mga banned o ipinagbabawal na mga post o content sa naturang website.
Ayon kay Vadim Subbotin, Deputy Head of Roskomnadzor isang communication watchdog, hindi umano umaksyon ang Twitter sa sa panawagan ng Russia na tanggalin ang mga ipinagbabawal na content sa website.
Paliwanag naman ng pamunuan ng Twitter, nag-aalala sila na baka makaapekto sa kalayaan sa pamamahayag ang nais ng Russia na pagbura at pagtanggal sa ilang post ng mga netizens.
Giit pa ng Twitter, wala umano silang pinahihintulutang gamitin ang kanilang platform para sa ilegal na gawain na siyang ibinabato ng mga otoridad sa Russia.
Dagdag naman ni Subbotin sa ulat ng Interfax new agency, kapag hindi pa umaksyon ang pamunuan ng Twitter ay iba-blocked nito ang naturang website sa loob ng isang buwan kahit wala pang kautusan ng korte.
Matatandaang, binagalan na ng Moscow ang speed ng naturang social media website nitong nakaraang linggo.—sa panulat ni Agustina Nolasco