Nagbabala ang Russia na ta-targetin ang Amerika.
Ito ayon kay Russian President Vladimir Putin ay kapag nagpakawala ng intermediate range nuclear weapons sa Europe ang Amerika at iba pang bansa kung saan naka station ang mga nasabing missile.
Nilinaw ni Putin na hindi siya naghahamon o naghahanap ng komprontasyon at hindi mangunguna para mag deploy ng missile bilang tugon sa pag atras ng Amerika mula sa Intermediate Range Nuclear Forces Treaty.
Subalit ang anumang magiging reaksyon aniya nila sa deployment ay ligal at dapat na matantya ng mga mambabatas ng Amerika ang mga panganib bago gumawa ng anumang hakbang.