Pinaghahandaan na ng Russia ang nakatakdang pagbisita roon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa susunod na buwan.
Ayon kay Russian Ambassador to the Philippines, Igor Anatolyevich Khovaev, kabilang sa mga inaasahang agenda ng Pangulo sa kanyang pagbisita ay ang pagtulong ng Russia sa mga armas gayundin ang joint military exercises.
Gayunman, nilinaw ng Russian ambassador na wala silang ipadadalang mga sundalo sa Pilipinas dahil wala namang hinihinging military alliance sa kanila ang Pangulo.
Handa ring makipagtulungan ang Russia sa iba’t ibang larangan tulad ng kalakalan, agrikultura, pulitikal, edukasyon, kultura, turismo, agham at teknolohiya.
By Jaymark Dagala