Kinumpirma ng mga US Intelligence Agency na naglunsad ng panibagong missile test ang Russia.
Tugon ito ng Russia sa missile test naman ng Amerika na isinagawa noong huling bahagi ng Mayo.
Isang Zircon Hypersonic Missile na isa sa pinakabagong armas ng Russia, ang pinakawalan sa hindi pa matukoy na lugar.
Ang missile ay may bilis na 4,600 hanggang 6,100 miles kada oras o aabot sa Mach 6 hanggang Mach 8 o anim (6) na beses na mas mabilis sa tunog.
May kakayahan din itong makapanira ng mga warship sa loob lamang ng isang kisapmata gamit ang mga nuclear warhead.
By Drew Nacino