Nagpaabot ng pakikiramay si Russian President Vladimir Putin kay Pangulong Rodrigo Duterte para sa mga naging biktima ng karahasan sa Marawi City
Ipinabatid ito ng Russian President sa pina-agang pagpupulong nila ni Pangulong Duterte sa Kremlin bago ito tuluyang bumalik sa Pilipinas
Umaasa ang Russian President na agad mareresolba ang sigalot sa Marawi at huwag nang madagdagan pa ang bilang ng mga biktima
Tiniyak din ni President Putin kay Pangulong Duterte na tutulungan ng Russia ang Pilipinas sa mga armas na siyang gagamitin sa paglaban kontra krimen at terorismo
Kasunod nito, naiwan sa Russia sina Foreign Affairs Secretary Allan Peter Cayetano at Chief Presidential Legal Counsel Atty. Salvador Panelo para lagdaan ang mga kasunduang inihanda ng Russian Government para sa Pilipinas
By: Jaymark Dagala