Nagpadala na ang mga strategic bomber aircraft ang Russia bilang “show of force” at suporta sa North Korea sa gitna ng krisis sa Korean Peninsula.
Lumipad ang mga nuclear-capable Tupolev 95 strategic bomber, kasama ang mga SU-35 fighter jet at surveillance plane sa international waters ng Pacific Ocean, Sea of Japan, Yellow Sea at East China Sea.
Ito’y sa kabila ng isinasagawang joint military drills ng US at South Korean Armed Forces malapit sa demilitarized zone.
Dahil sa paglipad ng mga Russian aircraft, agad ding nag-deploy ng mga military aircraft ang Japan at South Korea bilang tugon.
Indikasyon ito na handang sumaklolo ang Russia sakaling tumindi o mauwi sa digmaan ang sigalot sa pagitan ng NoKor at Amerika.
By Drew Nacino