Nagpadala na ng mga sundalo sa Turkey-Syria border ang bansang Russia bilang parte ng kasunduan nito sa Turkey na magtaguyod ng safe zone sa lugar.
Sa ngayon ay nakapasok na sa ang mga sundalo sa 2 pangunahing border towns ng Kobani at Manbij.
Tiniyak naman ng Turkey na magpapatupad sila ng opensiba oras na hindi pa rin umalis sa Syria ang mga Kurdish fighters.
Matatandaang nasa loob ng kasunduan ng 2 bansa na bibigyan ng 150 oras ang mga Kurdish fighters para lisanin ang Syrian border.