Nagpaliwanag ang Russian government sa biglaang pagbabago sa iskedyul ni Russian President Vladimir Putin.
Ito’y makaraang kumpirmahin ang hindi pagdalo ni Putin sa gagawing Asia Pacific Economic Cooperation o APEC Summit sa bansa.
Ayon kay Dmitry Peskov, Kremlin Press Secretary, mismong si Putin ang nagpasya na huwag nang tumuloy sa Pilipinas dahil sa conflict of schedule.
Tulad ni Indonesian President Joko widodo, dadalo rin sa G-20 Summit si Putin na gagawin naman sa Turkey sa Nobyembre 14 hanggang 15.
Dahil dito, pansamantalang kakatawanin ni dating Russian President ngayo’y Prime Minister na si Dmitry Medvedev.
By Jaymark Dagala