Nakahandang tumulong ang Russia sa Pilipinas upang resolbahin ang problema ng bansa sa terorismo at pamimirata.
Ito ang inihayag Russian Pacific Fleet Commander Eduard Mikhailov kasunod ng pagdaong ng dalawang (2) Russian warship sa pilipinas para sa isang goodwill visit
Kasunod nito, sinabi ng Russian official na positibo silang makasama ang Pilipinas para sa isang joint military and naval exercise sa hinaharap.
Giit ni Mikhailov, kanilang gagawin ang kanilang makakaya upang maihatid ang mga kinakailangang suporta ng Pilipinas makaraang magpahayag ng suporta sa kanilang bansa si Pangulong Rodrigo Duterte.
By Jaymark Dagala
Photo Credit: AP