Nakapasok na sa loob ng kapital ng Ukraine na Kyib ang Russian saboteurs.
Ito ang inihayag ni Ukraine president Volodymyr Zelenskyy, ngunit hindi nito binanggit kung may kasama ang mga puwersang Russia na mga opisyal at mamamayan mismo ng Ukraine.
Aniya, nais ng mga Russian saboteur na pabagsakin ang pamahalaang Ukraine, kasama ang pamunuan ng militar nito para palitan ang pamunuan ng nasabing bansa.
Sinabi rin ni Zelensky, na unang target siyang kunin at pangalawa ang kanyang pamilya ng mga saboteur.
Sa ngayon, nananatili pa rin si Zelensky sa Kyiv at sinabing patuloy na pamumunuan ang bansa laban sa mga Russian, kasabay ng pagpapairal ng curfew sa lyiv at martial law sa buong bansa.
Samantala, patuloy namang nananawagan ang Ukraine sa mga kaalyadong bansa gaya ng United States, United Kingdom, European Union, at North Atlantic Treaty Organization (NATO) para tulungan sila sa pamammagitan ng pagpapadala ng mga puwersa-militar.
Ngunit takot umano lahat ng nasabing bansa na umapak sa pagitan ng Ukraine at laban nito sa Russia.