Nanawagan kay Pangulong Rodrigo Duterte si Russian Ambassador to the Philippines Marat Pavlov na maging neutral hinggil sa kanilang pagsalakay sa Ukraine.
Ayon kay Pavlov dapat na panindigan ni Duterte ang “balanced and wise” sa kaniyang posisyon para mapanatili parin ang malakas na ugnayan sa pagitan ng Manila at Moscow sa gitna ng global sanctions na ipinataw sa kanilang bansa.
Matatandaang naging pabor ang Pilipinas sa resolusyon ng UN General Assembly noong Pebrero a-28 na kumukundena sa pagsalakay ng Russia sa Ukraine.
Sa kabila nito, sinabi ni Duterte noong nakaraang linggo na nananatiling neutral ang Pilipinas maging ang pakikipagkaibigan nito sa pinuno ng Russia na si Vladimir Putin bagay na pinasalamatan ni Pavlov.
Naniniwala si Pavlov na ang Pilipinas at Russia ay maaari pa ring magkaroon ng normal na relasyong diplomatiko at kalakalan maging ang “mutual beneficial interaction” sa maraming larangan. —sa panulat ni Angelica Doctolero