Nanawagan si Russian Prime Minister Dmitry Medvedev sa mga bansang miyembro ng APEC na magsama-sama para sugpuin ang terorismo.
Sa kaniyang talumpati sa APEC CEO Summit, sinabi ng Russian Primier na isang malaking hamon hindi lamang sa iilang bansa kundi sa buong mundo ang terorismo.
Dapat makapagbalangkas ang APEC ng solusyon kung paano tuluyang matutuldukan ang terorismo na nagdudulot ng pandaigdigang takot at pagkabahala.
Ipinabatid din ni Medvedev ang matigas na pahayag ni Russian President Vladimir Putin na hindi sila titigil hangga’t hindi nabubura sa mapa ng mundo ang Islamic State of Iraq and Syria o ISIS.
By Jaymark Dagala