Niyanig ng magnitude 7.3 na lindol ang Komandorskiye Ostrova, Russia pasado alauna ngayong madaling araw, oras sa Pilipinas.
Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHILVOCS) sa lalim na 33 kilometro ang lalim ng naturang pagyanig.
Pinawi na rin ng ahensya ang banta ng tsunami sa bansa dahil sa lindol.
Samantala, wala ring inaasahang banta ng tsunami sa Unites States, Alaska, at Hawaii.