Walang banta ng tsunami sa Pilipinas ang magnitude 7.8 na lindol sa Russia.
Tiniyak ito ng PHIVOLCS matapos yanigin ng malakas na lindol ang silangang bahagi ng Kuril Islands mag 11:00 kaninang umaga, oras sa Pilipinas.
Ayon sa PHIVOLCS posibleng maranasan ang hazardous tsunami waves na sakop ng 1,000 kilometro mula sa episentro ng nasabing lindol.