Tila hindi tatantanan ng Russia ang Ukraine.
Kasunod na rin ito ng pahayag ni Russian President Vladimir Putin na patuloy nilang pababagsakin ang energy grid ng Ukraine sa kabila ng mga sistematikong pag-atake na nag resulta sa milyun-milyong pagkasira ng mga imprastruktura.
Sinisisi rin ni Putin ang Ukraine sa pagsisimula ng anito’y isang trend nang pag-atake sa mga imprastruktura ng sibilyan tulad ng pagsabog sa isang pangunahing tulay sa pagitan ng mainland ng Russia at Annexed Crimean Peninsula na una niyang binisita.
Ang ilang linggong pag-atake ng missile ng Russia sa buong Ukraine ay nakaapekto na sa mga pangunahing imprastruktura sa nasabing bansa gayundin sa supply ng tubig at iba pang pangangailangan ng mga ito.