Itinanggi ng Defense Ministry ng Russia ang alegasyong tinarget nito ang militia group na hawak ng Estados Unidos sa Syria.
Ayon kay Russian Defense Ministry Spokesman Major General Igor Konashenkov, tanging mga lugar lamang na kontrolado ng ISIS o Islamic State ang pinatamaan ng kanilang airstrike.
Iginiit rin ng Russia na nagbigay sila ng babala sa kanilang mga American partner bago isinagawa ang airstrike.
Una rito, sinabi ng Syrian Democratic Forces, ang kaalyadong Kurdish at Arab Militia Group ng Estados Unidos, na anim sa kanilang mga tauhan ang nasugatan sa airstrike ng Russia.
—-