Posibleng gumanti ang Russia para sa mga miyembro ng isang private military company na napatay ng US Forces sa Syria, noong Pebrero 7.
Naniniwala ang isang Ukrainian Defense Consulting Company na Serhiy Zgurets na hindi matatanggap ni Russian President Vladimir Putin ang pagkamatay o pagkasugat ng higit 300 umanong Russian at Syrian mercenaries na itinuturing na sampal sa kanyang mukha.
Ayon sa naturang defense company, habang papalapit ang eleksyon sa Russia ay hindi malayong maglunsad ng panibagong pag-atake ang Russian Forces sa mga Syrian Kurdish Rebel na kaalyado ng Estados Unidos.
Dahil dito, nanganganib na direktang magkaroon ng komprontasyon ang US at Russia sa Syria.
Ang nasabing casualties ang pinakamataas umanong bilang ng nalagas sa hanay ng Russia simula nang sumiklab ang kaguluhan sa Ukraine, noong 2014.
—-