Posible nang gumamit ng chemical weapons ang Russia sa kanilang invasion sa Ukraine.
Ito ang naging pahayag ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) kaugnay sa chemical at biological weapons laboratories ng Russia.
Ayon kay NATO secretary-general Jens Stoltenberg, hindi man malinaw ang mga pahayag na kanilang naririnig ay kailangan paring maging maingat sa posibilidad na gawin ng Russia ang naturang plano.
Matatandaang nagbabala ang Russian Government sa mga bansang tumutulong at patuloy na nagpapadala ng military equipment sa Ukraine sa gitna ng kanilang pananakop.
Sinabi ng Russia na kanilang idadamay sa kanilang target ang mga bansang tumutulong sa Ukraine laban sa Russian Military Forces. —sa panulat ni Angelica Doctolero