Handa ang Russia na makipagtulungan sa Pilipinas, sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng oil products bunsod ng giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Ito ang tiniyak ni Russian Ambassador Marat Pavlov sa kanyang courtesy visit kay President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kahapon.
Kabilang ang issue sa langis sa naging paksa nina Marcos at Pavlov sa kanilang pulong.
Nagtuluy-tuloy ang pagsirit ng presyo ng oil products nang sumiklab ang gulo sa pagitan ng Ukraine at Russia.