Tuluyan nang kakalas sa makapangyarihang International Criminal Court ang bansang Russia alinsunod sa ipinalabas na direktiba ni Russian President Vladimir Putin.
Ayon sa Russian Foreign Ministry, hindi naabot ng ICC ang expectation o inaasahan ng Russia na maging ganap na independiyente ito at maging authoritative bilang isang international tribunal.
Tinawag ding ineffective ng Russia ang ICC dahil sa anila’y apat na hatol na ipinalabas nito sa loob ng 14 na taon at ginastusan pa ng bilyun-bilyong dolyar.
Kasunod nito, binatikos din ng Russia ang naging paghawak ng ICC sa limang araw na sigalot sa pagitan ng Russia at Georgia noong 2008.
By Jaymark Dagala
Photo Credit: AP