umukontra ang Russia sa plano ng Estados Unidos na mag-deploy ng terminal high altitude area defense system sa Korean Peninsula.
Ayon sa Russian Foreign Ministry, maaari lang maging dahilan ng palakasan ng puwersa ng ibang bansa sa asya ang pagkakaroon ng missile defense system ng Amerika doon.
Hindi rin, aniya, makabubuti iyon sa international security at stability.
Inaakusahan ng Russia ang Estados Unidos na ginagamit lang nito na dahilan ang nuclear at missile test ng North Korea para palawakin ang sariling missile defense system nito.
By Avee Devierte