Walang kasalanan ang Russia sa nagbabadyang food crisis sa buong mundo bunsod ng kaguluhan sa Ukraine.
Ito ang iginiit ni Russia President Vladimir Putin kahapon.
Mababatid na ang Ukraine ay isang pangunahing exporter ng mais at trigo kung saan naharang ang produksyon nito bunsod ng opensiba ng militar ng Moscow, na nagdulot ng pagtaas ng presyo at takot sa kakulangan sa pagkain na partikular na makakaapekto sa pinakamahihirap na bansa.
Dagdag pa ni Putin na hindi hinadlangan ng Moscow ang pag-export ng wheat flour ng Ukraine at idinagdag pa niya na ang Russia ay “in constant contact” sa UN agency na tumututok sa naturang isyu.