Pagpapaliwanagin ng foreign office ng United Kingdom ang Russian Ambassador sa naganap na nerve agent attack sa Salisbury.
Ayon kay British Prime Minister Theresa May, malaki ang posibilidad na Russia ang nasa likod ng naturang pag-atake.
Nagbanta si May na kapag nabigong magpaliwanag ang Russian Ambassador ay mapipilitan silang gumamit ng puwersa.
Magugunitang tinangkang patayin ang dating Russian spy at anak nito sa pamamagitan ng paggamit ng nerve agent na Novichock.
—-